Dapat sana nagulat ako, o di sana eh naghinala man lang sa pagbisita ni Brad Pitt dito sa bahay. Aba bakit nga ba hindi eh sa tatlong taon naming magkaklase nung high school ni minsan di napadpad sa bahay yang si Brad, samantalang ako at ang iba pa naming mga kaeskuwela ay halos magbabad sa kanilang bahay. At sa baryo pa ang bahay nila samantalang kami'y taga bayan, aba malayo layo din yung tambayan namin ah. Pero anhin ko mang isipin ni hindi sumaglit sa isipan ko na may mangyayari nung araw na iyon.
Nagbihis agad ako ng damit panglakad ng makita ko si Brad na kasama ng aking frends na si Phoebe. Alam kong gala na naman ang sadya nitong dalawang ito. Pero nang babain ko at harapin iba na ang naging ihip ng hangin. Seryoso ang mukha ni Brad. Pinaupo ako ni Phoebe at isinalaysay niya ang kanilang sadya. Ikakasal na daw si Brad!!!! Nahuli daw sila sa akto. At may baril na kasangkot, "shotgun wedding" kungbaga. At hindi sila naririto para ihatid ang magandang balita. Narito sila sapagkat nais ni Brad na maglabas ng sama ng loob. Laking gulat ko talaga. Ang nasabi ko sa sarili, aba parang sine ito ah! Nakinig ako ng maigi sa kanyang hinaing. Hinaplos haplos ko ang kanyang likod sa pakikiramay sa kanyang kalagayan. Wala kaming inabot na kasagutan sa kanyang suliranin, kayat minarapat naming pasyalan si Rachel, ang isa pa naming frends na isat kalahating kanto lang ang layo sa akin.
Gaya ng inaasahan, naulit ang pagsasalaysay sa balkonahe nila Rachel. Ito naman ang humaplos haplos kay Brad para kalmahin (at hindi kalamayin ah) ang kalooban nito. Sa lahat ng taon na aking kakilala si Brad ito ay masyadong personal na tao. Wala nga akong nababalitaan na nililigawan nito noong high school. Ito ay nakatutok sa pagaaral. Sabagay kahit ba iisang grupo namin di kami masyadong close nito kaya laking gulat ko na lang sa mga pangyayaring ito.
Kahit tatlo na kaming nagiisip wala kaming solusyon sa problema ni Brad kayat minarapat naming dalhin kay Monica ang problema ni Brad kahit ba siya ay paalis na patungong Estados Unidos para doon maghanap buhay. Mabuti na lamang at siyay andito pa para kami ay gabayan. Si Monica ang aming "brains" ng grupo. Maliban sa matalino ito, hindi pa siya nahihiyang magbigay ng payo. At ang pinakamaganda nito, hindi siya nagpapairal ng emosyon pag dating sa ganitong mga bagay. Hinaharap niya ang anumang bagay na klaro ang pagiisip. Siya'y matyur para sa kanyang edad, samantalang kamiy parang teen-ager pa din.
At dahil naghahanda na sa pagalis patungong EU si Monica, buo ang pamilya niya sa bahay nila. Andoon ang kanyang ama na bumalik na galing ng Middle East. Pero binigyan nila kami ng pagkakataong makapagsarili sa sala. Naupo kaming apat sa sofa. Isinalaysay namin ang mga pangyayari at sa bandang huli ay nahingi kami ng payo. Heto na po. Pabalik balik na naglalakad sa aming harapan si Monica habang kanyang ibinabahagi sa amin ang kanyang pamosong, DONT DO THE CRIME IF YOU CANT DO THE TIME na sermon. Wala siyang ipinakitang pakikiramay sa aming kaibigan. Pero tama lang naman iyon sa aking pakiwari sapagkat tatlo na kaming kasangga ni Brad. Kailangan namin ang kanyang neutral na palagay sa kahihinatnan ni Brad.
Sa aming pagalis sa bahay ni Monica, nakabuo kami ng plano. Ang sabi ni Phoebe kailangan naming tulungan si Brad. Dito masusubok and aming prendsyip. Syempre pa, sang-ayon kami ni Rachel sa ganitong plano. Anuman iyon.
Nang mahimasmasan si Brad, nagpaalam na ito. Samantalang kaming tatlo'y abala sa pagbuo ng aming "master plan" para maiiwas si Brad sa pagpapakasal sa babaeng ito na hindi namin kakilala. Siyanga pala, nakalimutan kong sabihin na buntis ang babae, yan ang sabi ni Brad. Pero, yan ay di namin isinaalang alang sa aming pagbuo ng plano.
Ganito ang aming napagkasunduan, malasine ito. Magpapanggap si Phoebe na buntis, may kasama pang props na kunway siya'y buntis. At kapag dumating na sa puntong itatanong ng pari kung may tututol ba sa kanilang pagiisang dibdib, tatayo itong si Phoebe at syang tututol at ilalahad sa lahat ng nasa simbahan na siya ay nagdadalang tao at si Brad nga ang ama. Alam ni Brad na ganito ang plano namin.
Ngayon kung binabalikan ko ang nakaraan, naaalala ko pa ang kasabikan ko sa plano namin. Ako at ang dalawa ko pang kaibigan ay pawang mga mababait na tao, may takot sa Diyos, pero bakit wala ni isa man sa aming tatlo and nakaisip na mali itong planong ito? Si Monica na aming kinunsulta ay siyang humadlang sa pagusad ng aming plano. Kami raw ay nasisiraan na ng bait. Pero matigas and ulo namin, sige pa ring pag perpekto ng aming nasabing plano ang aming pinagkaabalahan.
Sa pagdating ng araw ng kasal, kami'y nagdalawang sakay patungo sa kabilang bayan sa aming probinsya. Nung araw ding iyon namin napagalaman na hindi pala sa katoliko ang kasal kundi sa Aglipay. May kalakihan and simbahan at pinasya naming tatlo na umupo sa likuran. Lahat ng pumapasok ay nakatingin sa amin dahil nga naman wala kami sa gawi ng "groom side" or "bride side". Isa pa, mukhang sabit lang kami duon. Kung baga, talagang mukha kaming mga "outsiders" or "wedding crashers".
Tiningnan kami ni Brad isa isa mula sa may kalayuan. Hindi namin malapitan ito sa loob ng simbahan kahit ba kilala kami ng kanyang mga partido. Ewan ko ba kung bakit. Pero hayun naka barong tagalog siya at naghihintay sa kanyang kaisang dibdib. Nakatayo at ang mga mata'y humihingi ng tulong. Kaming tatlo'y paralisado sa mga oras na iyon. Wala kaming magawang tulong sa aming kaibigan kundi kawayan siya, aming bersyon ng "asa likod mo kami, gay-yem".
Nagumpisa na ang misa/kasal. Aray!!! Ilocano ang misa. At hindi lang Ilocano, Ilocanong hindi namin maintindihan. Kami'y mga Ilocano, pero andaming mga salita na kaiba sa aming Ilocano! Patay! Wala kaming maintindihan. Pero kahit na ganoon, malakas pa din ang "fighting spirit" namin. Aba sa dinami dami ng kasal na aming nakita maging sa personal o sine, kabisado na namin ang buong kasal, di ba? Hah, yan ang akala ninyo. Sapagkat nag reredi pa lang kami sa may punto na kung saan itanong ng pari kung may tututol ba, aruy, sa harap ng altar ay "kiss the bride" na ang eksena. Laking gulat naming tatlo. Nagkatinginan kami at nagtanungan kung kami bay hindi nakikinig ng maige? Bakit napalampas namin and parte na aming pinakahihintay?
Ganoon ang kinahantungan ng aking kwento. Pero mabuti na yon dahil sa palagay ko ay hindi namin kayang isakatuparan ang aming plano. Parang laro lang siya. Maigi na ring ganoon ang resulta dahil nasa simbahan kami at kami'y nagpaplano ng kalokohan.
Hindi naging palagay sa amin si Misis Pitt. Lagi nitong sinusundo si Mister kapag gumigimik kami. Mayroon kaming isang kubo na tambayan namin, pagaari ng ate ng isa sa aming kaibigan at open ito sa amin kahit anong oras. Bibili kami ng beer, coke (yung iniimon ah), at tsibog, at alam ni Misis kung saan susunduin si Brad. Ang laki ng galit o inis niya sa amin. Wala kaming paki. Si Brad naman laging naka' "hayaan niyo na siya", siguro naman mahal din niya ito kaya nagpapikot na.
Alam niyo na siguro na di buntis si Misis ano? Makalipas ang maraming taon, andito na ako sa america, nabalitaan ko nagkaanak din sila.
Happy Ending.
AUTHOR'S NOTE:
This is a true story, the way I remembered it. I wrote this a while back on a journal while recalling a crazy time in my life. It was originally written in English, but prior to posting on my other blog I thought it would be a hoot to translate it in Tagalog - challenging myself to write in my native language kind of thing.
I posted a wedding picture on facebook and my cohorts posted that they remembered this wedding fondly. I told them if you need more reminding of "all that happened" let me know. They replied, OH WE REMEMBER EVERYTHING :)
Update on the couple - they have been happily married, with a housefull of kids and Mrs Pitt is chummy with everyone in the barkada. She came around eventually.
As a matter of fact, when I was talking on the phone to Rachel she confided that Mrs Pitt acts as if she was our classmate and not Brad, that's how close she is with the group/barkada.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Stories of 2020
1/19/20 Today, I received my first moving violation. A traffic policeman cited me for “speeding” going 35 on a 25. I honestly didn’t ...
-
I just got back from camping in Sonoma Valley. It was the annual church camping and I believe this was the fourth year in a row that we ar...
-
My birthday is this week. And if there is a Birthday Santa, Birthday Fairy, or Birthday Genie here is my list of things I really really nee...
-
1/19/20 Today, I received my first moving violation. A traffic policeman cited me for “speeding” going 35 on a 25. I honestly didn’t ...
2 comments:
What a story! Hehehe. By the way, my husband's Ilokano too =)
wow...i know what you mean about the Ilocano dialect. there are a lot of words i still don't understand in Ilocano.
i'm glad the story ended well. i was worried that brad would end up unhappy, but it seems that they do love each other.
Post a Comment